DOUBLE M*RD3R CASE SA CAVITE, ANAK NADAMAY SA KALANDIAN NG KANYANG INA

DOUBLE M*RD3R CASE SA CAVITE, ANAK NADAMAY SA KALANDIAN NG KANYANG INA

Ang probinsya ng Samar ay kilala sa maraming waterfalls, beach, mga kweba, malawak na kagubatan at ang nakakamanghang tradisyon ng mga Waray. Sa ulat na ito, ang kanlurang bahagi ng Samar ay itinuturing na First Class Province sa Pilipinas na nangangahulugan lamang na ang lugar na iyan ay mayaman kung ang usapan ay GDP o Gross Domestic Product.

Ngunit kung tatanungin mo naman ang mga tao, karamihan sa mga residente ay magsasabi na baka mayaman lamang sa papel ang kanilang probinsya dahil hindi naman sila nakakaramdam ng ginhawa sa buhay. Kaya para makakuha ng trabaho na may desenteng sahod, karamihan sa mga tao diyan ay iniisip na ‘pag pumunta sila sa Maynila o katabing lugar o probinsya nito ay magiging maayos na ang kanilang buhay.

Bagaman mahirap na pumunta sa ibang bayan na walang kakilala ay hindi iyon nakapigil kay Ruby Bella o mas kilala sa tawag na Bing. Base sa ulat, ito ay born and raised sa Samar kasama ang nag-iisa niyang kapatid na babae. Ito ay kaagad namulat sa hirap. Bagaman salat sa buhay, ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat para mapapasok sila hanggang high school.

At habang sila ay lumalaki, naging normal na lamang sa kanilang magkapatid na makita ang kanilang mga kapitbahay na umaalis para magtrabaho sa Maynila o ibang lugar sa Luzon. Kahit mayroong mga residente doon na kuntento sa kanilang simple at tahimik na buhay sa Samar, nakondisyon ang utak nina Ruby na mas magiging maayos ang buhay nila kung makakaalis sila sa kanilang probinsya.

Si Ruby ay inilarawan na mabait at nakasundo nito ang lahat ng kanyang mga kaklase. Nang ito ay makapagtapos ng high school at makaipon ng pera ay kaagad itong bumiyahe patungong Maynila kung saan ito ay mabilis na natanggap sa trabaho. Noong una ay nagulat siya sa bilis ng buhay sa bagong lugar niyang napuntahan.

Ngunit hindi nagtagal ay naka-adjust na rin ito. Pero pagkatapos ng kontrata ay naghiwa-hiwalay rin sila dahil lumipat ang mga ito sa kumpanya na makikita sa Cavite. Nang matapos ang kanyang kontrata, si Ruby ay sumunod na rin sa mga ito at doon nagtrabaho. Doon ay nakapalagayan niya ng loob si Marlon Gamos. Ang relasyon ng dalawa ay kalaunang nauwi sa kasalan at ang pagsasama nila ay nagbunga ng isang anak na pinangalanan nilang Shanaya Nicole.

Ang bata ang naging sentro ng kanilang buhay. At upang hindi mahirapan si Ruby sa pag-aalaga ng sanggol, nagdesisyon ang mag-asawa na tuluyan na itong mag-resign para tutukan ang paglaki ng bata. Sa litratong ito ay makikita mo na ang pamilyang Gamos ay mailalarawan na masaya at kahit mayroon silang simpleng buhay ay mapapansin mo na maayos nilang napalaki ang bata.

Ang mag-asawa ay ibinigay ang lahat kay Nicole lalo na ‘yung mga bagay na hindi nila naranasan noong kanilang kabataan. Naghahanda sila sa tuwing ito ay may kaarawan, dinadala sa iba’t ibang lugar at kung kaya ng kanilang budget ay binibilhan nila ito ng iba’t ibang gamit at laruan. Ang kanilang masasayang mga larawan sa social media ay puring-puri ng mga tao at para sa kanila ay naging maayos ang pagpapalaki ni Ruby sa kanilang anak.

Ngunit tulad nga ng ilang mga Pinoy na magulang, napagtanto ng mag-asawa na habang lumalaki ang kanilang anak ay ang pagdami din ng mga bagay na kakailanganin at gagastusin nila lalo na kapag ito ay nagsimula nang pumasok sa paaralan. Kaya kahit masakit at mahirap na mawawalay siya sa kanyang mag-ina, si Marlon ay nagdesisyon na magtrabaho sa ibang bansa.

Silang mag-asawa ay nagkasundo na mananatili lamang sa bahay si Ruby habang si Marlon naman ang magtatrabaho. Sa loob ng ilang taon nitong pagbabalik-balik ay nagawa niyang makakuha ng bahay sa Kensington Subdivision sa Barangay Navarro na matatagpuan sa General Trias, Cavite. Bagaman mahirap na magpalaki ng bata na mag-isa, si Ruby ay malaki naman ang pasalamat sapagkat ang kanyang asawang si Marlon ay matatawag mo talagang maayos na provider sapagkat naibibigay nito ang lahat ng kanilang pangangailangan.

Noong taong 2017, pagkatapos ng ilang buwan nitong pananatili sa Pilipinas, si Marlon ay malungkot na namaalam sa kanyang mag-ina sapagkat sasampa na naman ito sa barko bilang isang seaman sa Korea. Noong buwan ng Disyembre, si Marlon ay nagsimula nang mag-countdown sapagkat dalawang buwan na lamang ang kanyang hihintayin at makakauwi na rin siya sa kanyang mag-ina.

Dahil sa sobrang excitement nito na makauwi sa bansa, kahit hindi siya magdidiwang ng Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas ay binilhan na niya ang kanyang mag-ina ng mga regalo na ibibigay niya sa mga ito kapag siya ay nakauwi na sa buwan ng Pebrero. Noong unang linggo ng December ay naging madalas ang pakikipag-usap ni Marlon sa kanyang mag-ina.

Ang dalawa ay excited sa darating na kapaskuhan at nagplano na si Ruby kung saan nila ‘yun ipagdiriwang. Pati mga handa sa lamesa ay kanila ring napag-usapan. Ngunit naputol ang kanilang usapan sapagkat si Marlon ay nakatakda nang magsimula ng kanyang duty. Kinabukasan, katulad ng nakasanayan niyang routine ay kaagad niyang kinontak ang 34 na taong gulang niyang misis.

Ngunit nagtaka na si Marlon dahil kahit ilang beses na itong tawagan ay hindi ito sumasagot. Noong una ay hindi ito masyadong nag-alala sapagkat lagay ang loob niya na ang bahay na tinutuluyan nina Ruby ay nasa isang gated subdivision. Inisip nito na baka naging abala lamang ito sa pag-aasikaso sa kanilang anak kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang pagtatrabaho.

Pero naalarma na siya nang kinabukasan, December 8, ni isang chat ay hindi siya nakatanggap mula kay Ruby. Kaya para malinawan ay kinausap na nito ang kanyang kapatid. Ngunit hindi naman ito kaagad nakapunta sa General Trias sapagkat tulad niya, inisip rin nito na baka abala lamang talaga si Ruby sa pag-aasikaso sa kanilang anak sapagkat sa December 9 ay mayroong school event na gaganapin sa eskwelahan nito.

Si Ruby ay kinontak rin ng kanyang hipag pero dahil ito ay may pinagkakaabalahan rin na sarili niyang pamilya, dumaan ang ilang araw ay hindi nito napansin na ni isang beses ay hindi rin ito nag-reply sa kanya. Kaya noong December 11, halos apat na araw mula nang huling makausap ni Marlon ang asawa, minabuti na ng kapatid nito na sadyain ang kanyang hipag sa bahay nito sa General Trias.

Ngunit nang siya ay makarating sa tahanan ni Ruby, kahit ilang beses siyang tumawag o kahit anong lakas ng kanyang katok ay walang sumasagot sa loob. Kaya upang maliwanagan ay pumunta na siya sa guardhouse at nakiusap ito sa gwardya na buksan ang bahay. Nang malaman ng guard ang kanyang rason, mabilis nitong nabuksan ang pintuan at doon ay umalingasaw ang amoy na hindi nila malilimutan kailanman.

Bagaman nakakasuka ang amoy sa loob ng bahay, ang kapatid ni Marlon ay mabilis na nagtungo sa kwarto ni Ruby. At doon ay nakita niya ang nakasubsob at naaagnas na nitong katawan. Kahit kinakabahan ay pinuntahan rin nito ang kwarto ng kanyang pamangkin at doon ay halos mawalan siya ng enerhiya sapagkat ang pitong taong gulang na bata ay wala na ring buhay.

Napahagulhol na lamang ito sa kanyang nakita kaya mabilis niyang tinawagan si Marlon para ibalita ang masamang pangyayari. Ang sigaw ng OFW ay umalingawngaw sa buong barko at ang mga kababayan nitong Pinoy ay mabilis na lumapit kay Marlon para damayan siya. Ang mga awtoridad ay kaagad dumating sa lugar at mabilis na mga itong nilagyan ng tape ang paligid ng bahay nina Marlon sapagkat ang ilang mga tao ay gustong makiusyoso at pumasok sa loob ng crime scene.

Habang pinoproseso at isinasailalim ng SOCO ang pagkalap ng posibleng ebidensya, si Marlon ay mabilis na kinausap ang management ng barko na kaagad namang pumayag na bumalik siya sa Pilipinas. Noong December 12, sa tulong ng kanyang employer at agency, si Marlon ay malungkot at emosyonal na sinalubong ng kanyang pamilya sa airport at mula doon ay dumiretso sila sa morgue kung saan nakita niya ang katawan ng kanyang mag-ina na nababalot ng kumot.

Sa tindi ng nararamdaman niyang sakit, sa pintuan pa lamang ay hindi na nito makaya na malapitan ang mga bangkay. Ang mga kamag-anak nito ay mabilis na dinamayan ang 37 taong gulang na si Marlon at tinulungan din nila itong iproseso ang detalye ng libing at burol. Sobrang galit. Gusto ko kung anong ginawa sa kanya parang gusto ko rin ngayon mo lang nakita sila.

Hindi ka po namin titigilan. Bahala na sa iyo si Lord. Sana makunsensya ka na lang. Nang kaya nang humarap ni Marlon sa media, ito ay nagpaunlak ng interview kung saan idinetalye nito ang huling sandali na nakausap niya ang kanyang misis. Ginamit rin niya ang pagkakataon na iyon na manawagan sa mga awtoridad na gawin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang kanyang mag-ina.

Si Marlon ay dumulog rin sa opisina ng Public Attorney’s Office o PAO. Nang mayroon na itong nakuhang abogado na magbibigay sa kanya ng libreng serbisyo, dumulog rin ito sa opisina ng National Bureau of Investigation o NBI para humingi rin ng tulong. Noong December 14, si Aguirre II, na noon ay sekretarya ng Department of Justice ay nag-issue ng Department Order 797.

Sa dokumento ay nag-utos ito sa NBI na magkaroon ng parallel investigation. Sinabihan rin nito ang NBI director na si Dante Gierran na lagi siyang bigyan ng update sa nangyayaring imbestigasyon. Kasunod niyan ay lumabas naman ang resulta ng autopsy report. Ayon sa medical examiner, si Ruby ay namatay dahil sa malakas na palo sa ulo at napatunayan rin na ito ay sinakal.

Ang anak naman nito ay namatay din dahil sa pananakal. Ngunit mas lalo pang nadismaya at nagalit si Marlon sapagkat napatunayan na ang kanyang misis ay may senyales na ito ay ginalaw at ginahasa pa bago patayin. Ang SOCO ay positibo naman na mabilis nilang mahahanap at malalaman ang pagkakakilanlan ng salarin dahil sa loob ng bahay ay nakakita sila ng ihi sa banyo at semilya sa bedsheet at mayroon din silang tsinelas na nakita na panlalaki.

Ang unang anggulong tiningnan ng mga awtoridad ay maaaring pagnanakaw ang motibo ng salarin dahil ang ilang gamit nina Ruby ay nawawala tulad ng telebisyon. Ang pulang kotse ng biktima ay nawawala rin pero kalaunan ay na-recover ito sa labas ng sementeryo sa Barangay Alapan. Pero sa pagdami ng ebidensya at salaysay na nakukuha nila mula sa kapitbahay ng mga biktima, may duda ang mga awtoridad na ang nangyari ay hindi isang random na krimen lamang.

Sapagkat una ay walang forced entry. Ang mga lock sa harap at likod ng bahay ay maayos na nakasara at wala ring sira ang mga bintana na magiging posibleng ginamit na daanan ng salarin. Sa interview sa mga kapitbahay ng mga Gamos, lumalabas pala na sina Ruby ay may alagang aso. Pero nagpatotoo ang mga ito na ni isang beses ay hindi nila narinig na tumahol ang hayop.

Ayon din sa salaysay ng medical examiner ay maaaring kakilala ng mga biktima ang salarin sapagkat ni isang beses ay hindi niya nakitaan ang mga ito ng defense wounds na magpapatunay na hindi nanlaban ang mag-ina. Sinabi ng eksperto na sa kondisyon ng bangkay maaaring ang mga ito ay patay na nang tatlo o apat na araw bago madiskubre.

Habang naghihintay sa resulta ng DNA sa ihi at semilya ng salarin, bumaha naman ang tulong kay Marlon at makikita mo sa litratong ito na sa tindi ng sinapit ng mag-ina ay isinara na ang mga kabaong. Sa social media ay nagpahatid rin ng pakikiramay ang mga tao kahit hindi nila personal na nakilala si Marlon at ang kanilang kahilingang lahat ay sana mahuli na ang gumawa ng krimen na iyon.

Sa video na ito ay makikita mo naman ang paghagulhol ni Marlon sa harap ng kanyang aso at paulit-ulit nitong sinasabi ang mga katagang “kilala mo siya, kilala mo siya ba siya ba hindi ka ba siya”. Ngunit ang hayop ay wala ring magawa sapagkat kahit kilala nito ang salarin ay hindi naman ito makakapagsalita para maituro ang suspect at upang hindi masira ang pangalan ng kanilang subdivision, ang village security kung saan nakatira sina Ruby ay naglabas ng mensahe na pakikiramay sa pamilyang Gamos. Ipinaalam rin nila sa publiko na ang kanilang mga security guards ay mas lalong hihigpitan ang pagbabantay sa lugar. Nakiusap rin sila sa mga residente na kung mayroon silang nakitang mga tao na kasuspe-suspetsa ay huwag silang mag-atubili na ipaalam sa kanilang asosasyon.

Kahit ang ibang tao ay masayang nagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang pamilya, si Marlon naman ay hindi magawang makatulog ng maayos sapagkat bigla-bigla na lamang itong natutulala dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang mag-ina sa brutal na paraan. Kaya naman kahit ang iba ay nagpo-post ng kanilang handa at masayang mga litrato kasama ang kanilang pamilya, si Marlon ay nag-post para manawagan ng hustisya.

Dalawang araw pagkatapos niyon, noong December 27, isang magandang balita ang lumabas sa iba’t ibang pahayagan. Base sa ulat, ang salarin sa double murder ay sumuko na at ito ay kinilalang si Ruel Galvan Kabatingan.

Base sa interview kay Superintendent Janet Arinabo na spokesperson ng Cavite Police, ang suspect ay kusang sumuko sa mga awtoridad sa Borongan City Police na matatagpuan sa Eastern Samar. Ang ama nito ay ibinahagi sa interview na noong una ay wala siyang alam sa ginawa ng kanyang anak. Pero nang ito ay umamin na siya ang suspect sa pagkamatay nina Ruby ay kinausap niya ito ng masinsinan para kumbinsihin na sumuko.

Mula Samar ay mabilis itong inilipad pabalik ng Cavite para pormal itong masampahan ng kasong double murder. Ayon kay Superintendent Arinabo, bago pa man sumuko si Kabatingan, isa ito sa mga taong nasa listahan nila ng Person of Interest. Ang kanilang duda ay nagsimula dahil sa impormasyon na nakita nila sa social media nito at ni Ruby.

Sa imbestigasyon ay lumalabas na ilang araw pagkatapos pumutok ang balita na pinatay ang mag-ina ay nag-post si Kabatingan sa kanyang account ng “sorry mommy at anak ko”. Sila ay nagtaka sapagkat bakit nito tinatawag na mommy si Ruby at anak si Nicole sapagkat may asawa naman ang biktima. Nagulat din si Marlon sapagkat pamilyar na pamilyar si Kabatingan sa kanya.

Sa interview ay ibinahagi nito na silang tatlo ni Ruby ay magkakasamang pumasok sa eskwelahan noong elementary. Nagkaroon siya ng interes dito nang sila ay grade 6 student. Ngunit dahil sa may pagkamahiyain at bata pa sila noon ay hindi niya ito niligawan. Nang sila ay tumuntong ng high school ay hindi niya rin ito mapormahan sapagkat ito ay naging nobya ni Kabatingan.

Pero ang relasyon ng dalawa ay hindi nagtagal. Nang wala na sa eksena si Kabatingan ay mabilis siyang kumilos at napasagot naman niya si Ruby. Pero naging panandalian lamang ang kanilang relasyon. Pagkatapos ng high school ay hindi na alam ni Marlon kung saan nagpunta si Ruby. Ngunit nang siya ay nag-aaral na ng college sa Cavite ay muling nag-cross ang kanilang landas.

Niligawan muli niya ito at nang sinagot na siya ni Ruby ay hindi sinayang ni Marlon ang pagkakataon na iyon. At dahil sa siya ay isang working student, kung ang kanyang nobya ay kapos sa pera ay binibigyan niya ito ng pera. Nang makatapos siya ng pag-aaral, ang dalawa ay kinasal noong taong 2010. Kasunod noon ay ang pagdating naman ni Nicole sa kanilang buhay.

Ngunit ang magandang love story na sinabi ni Marlon sa mga interview ay tinawanan lamang ni Kabatingan. Sapagkat ayon dito, ang inilarawan nitong ulirang ina at mabuting asawa ay malandi pala. Inamin ng suspect na siya ay isa ring OFW na naninirahan sa Imus, Cavite. Sinabi nito na habang si Marlon ay nagpapakagod sa pagtatrabaho sa barko ay wala namang tigil ang paglalandi ng asawa nito.

Ipinagyabang ni Kabatingan na noong sumikat ang social media ay mabilis niyang nakita si Ruby. Pinadalhan niya ito ng friend request at ang simpleng “hi” ay nauwi na sa pagpapalitan nila ng malalambing na chats. Sila ay diumano’y nag-video call ni Ruby at dahil sa malapit lamang ang dati niyang nobya ay mabilis niya itong niyaya na magkita.

Inamin ni Kabatingan na ang pagkikita na iyon ay nauwi sa pagpunta nila sa hotel at may nangyari sa kanilang dalawa. Bagaman nagsisisi si Ruby na nagpagalaw siya sa kanyang ex habang siya ay pamilyado pa ay sinabi ni Kabatingan na ipinagpatuloy pa rin nila ang pag-uusap at pagkikita kung may pagkakataon. Ang sinabi niyang ‘yan ay sinuportahan rin ng salaysay ng mga kapitbahay ni Ruby.

Ayon sa mga ito, si Kabatingan ay labas-pasok sa bahay ng mga Gamos kahit alas-diyos na ng gabi. Noong una ay duda si Marlon na may katotohanan ang mga sinasabi ni Kabatingan. Ngunit nag-iba ang pananaw niya nang ang mga awtoridad mismo ang nagsabi sa kanya na sa tulong ng computer forensics ay nakita nila ang profile handler na ito sa Facebook na naglalaman ng litrato hindi lamang nina Kabatingan at Ruby pero mapapansin rin na close na close ito sa pitong taong gulang niyang anak na si Nicole.

Napatunayan rin na pagkatapos palang makasakay ni Marlon ng eroplano patungo sa ibang bansa ay mabilis rin na kumilos si Ruby. Sa ulat ay lumalabas na mula January hanggang June 2017 ay mayroon palang apartment sina Kabatingan at Ruby na matatagpuan sa Barangay Alapan sa Imus na may layong isang kilometro sa bahay nito sa General Trias. Mas naging kapanipaniwala ang mga sinasabi ni Kabatingan na mayroon talaga silang relasyon nang ipakita nito ang mga files na inilagay niya sa USB.

Doon ay nakita nga ng mga awtoridad na may relasyon ang biktima at suspect at ito ay hindi nila itinago sa pitong taong gulang na si Nicole. Ang tatlo ay madalas rin sa Imus kapag nasa ibang bansa si Marlon at sa apartment na iyon ay mayroon pang playroom ang bata. Ang mga kapitbahay ng suspect ay sinabi sa mga awtoridad na madalas nilang makita sina Ruby at Kabatingan na magkasama sa nasabing apartment na iyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *